EST Cola, inungusan ang Creamline Cool Smashers, 3–1

MANILA, Philippines — Bumandera ang EST Cola matapos nitong talunin ang Creamline Cool Smashers, 3–1, sa 2026 PVL Invitational Conference na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Setyembre 4, 2026.

Nagtala ang EST Cola ng panalo sa apat na set, 17–25, 25–21, 25–22, 27–25. Pinangunahan ni Papatchaya Phontham ang EST Cola matapos magtala ng 27 puntos, habang nanguna naman si Jaja Santiago-Minowa para sa Creamline na may 19 puntos.

Sa isang labanang puno ng tensyon, ipinamalas ng dalawang koponan ang husay sa pag-atake at epektibong pagba-block. Nakuha ng Creamline ang unang set, ngunit agad na bumawi ang EST Cola sa ikalawang set at tuluyan din inangkin ang pangatlong set.

Dikdikan ang naging labanan sa huling set. Mula sa iskor na 19–23, nakahabol ang EST Cola sa tulong ng mga service ace at blocks. Isinara ni Wasan ang laro nang harangan niya ang spike ng Creamline, na nagbigay sa EST Cola ng championship point.

“I’m very grateful to my coaches and teammates. I tried to learn the game to win and make my supporters proud,” ani Phontham.

Sa pagtatapos ng laban, masayang sinalubong ng mga manlalaro ng EST Cola ang kanilang mga coach at taga suporta. Hindi rin nila napigilang maging emosyonal matapos masungkit ang inaasam-asam na tagumpay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *