Ginanap ang Mock Division School’s Press (DSPC) sa Koronadal National Comprehensive High School (KNCHS) na pinamumunuan ng Ang Tagatala at The Recorder kung saan nagbigay panayam si Senior High School Curriculum Head Adonis C. Bayron patungkol sa mga pagbabagong magaganap sa S.Y 2025-2026.
Binanggit ni Bayron ang makabagong systema sa strands ng Senior High kung saan Academic Track at Technical Professional ang opisyal at natatanging strands, hindi gaya ng mga nakaraang school years.
Ayon sa DepEd Order no. 15 series of 2026, tatanggalin na ang honor-based awarding. Ang dating apat na quarters ay magiging tatlong terms, at nangangailangan ng isang estudyante na makakalap ng 90 above na average at walang grado na mas mababa sa 80 upang masungkit ang Honors.
Pinahayag niya na sa bagong curriculum ay mas pinapahalagahan ang Alignment of career, resilience, at pagtiyak na may sapat na kaalaman ang mga mag-aaral bago tumungtong ng kolehiyo.
Dagdag pa ni Bayron na required na sa mga guro ang pag-provide ng sapat na leson plan upang masiguradong may sinusunod na systema ang guro sa pagtuturo.

